dzme1530.ph

TNT Tropang Giga at Uratex Dream, sasabak sa Red Bull Half Court World Finals sa Serbia

Kakatawan sa world finals ng Red Bull Half Court ang TNT Tropang Giga sa men’s division at team Uratex Dream sa women’s division mula Setyembre 16 hanggang 17 ngayong taon.

Nanalo ang koponan ng TNT laban sa Cavitex Braves na may dikit na final score na 20-21. Ang manlalaro ng Pilipinas sa World Finals Men’s Division ay binubuo nina Reuben Chester Saluda, Luis Lorenzo Gonzaga, III, Rodel Samboy de Leon at Lervin Yambao.

Liksi sa court ang ipinakita nina Kaye Pingol, Samantha Harada at Blanche Bahuyan sa women’s division laban sa team Fila.

Ang nasabing kompetisyon ay gaganapin sa Belgrade Serbia sa Setyembre 17 ito ay mapapanood sa live stream, 9:40 ng gabi sa Pilipinas. –sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author