dzme1530.ph

Tiyaking malinis ang paglulublubang tubig sa gitna ng mainit na panahon —DOH

Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na siguraduhing malinis at inaalagaan ang pagliliguan nilang swimming pools upang mabawasan ang banta ng impeksyon at waterborne disease ngayong tag-init.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na mahalaga para sa mga resort owner na dinadagsa tuwing summer na panatilihing malinis ang kanilang swimming pools, dahil bukod sa bacterial infections, at skin diseases, posibleng mag-lbm ang sinumang aksidenteng makainom ng tubig, lalo na ang mga bata.

Ganito rin aniya ang panganib na maaring makuha mula sa inflatable pools na ginagamit sa mga bahay, na walang proteksyon laban sa bacteria dahil ang kadalasang tubig na nilalagay dito ay untreated ng chlorine.

Pinayuhan naman ng mga eksperto ang publiko na iwasang maglublob ng maraming pamilya sa isang inflatable pool upang maiwasan ang bacteria mula sa ihi, dumi, pawis, o laway mula sa isang pamilya na maaring maipasa sa iba sa pamamagitan ng tubig.

About The Author