dzme1530.ph

Tiwala ng publiko sa PNP, ipinangakong ia-angat ng bagong PNP Chief!

“Ang pangarap niyo ay pangarap ko rin”

Ito ang unang ipinangako nang bagong talagang hepe ng Philippine National Police na si P/Gen. Rommel Francisco Marbil.

Sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony sa Camp Crame Quezon City ngayong Lunes, inilatag ni Marbil ang tatlong bagay na tututukan sa ilalim ng kanyang liderato.

Una ay ang pagpapaganda ng kalidad ng leadership, abilidad, kaalaman, at propesyunalismo sa kanilang hanay.

Ikalawa ay ang pagtataguyod ng batas at pagpapanatili ng kaayusan kasabay ng paglaban sa local at transnational crimes.

Ang ikatlo umano ay ang pag-aangat sa tiwalang ibinibigay ng publiko sa PNP kaakibat ng pakikipagtulungan sa mga komunidad.

Siniguro rin nito ang pagiging makatao sa pagpapatupad ng batas ng mga pulis na mahusay, matatag, at maaasahan.

About The Author