dzme1530.ph

TINGOG Party-list muling nanawagan sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

Loading

Sa harap ng malawakang pagbaha dulot ng bagyo at habagat, muling iginiit ng TINGOG Party-list ang pangangailangan na itatag ang Department of Disaster Resilience.

Binigyang-diin ng grupo ang pangangailangang harapin ang “new climate normal” sa pamamagitan ng mas sistematikong paghahanda sa mga sakuna.

Ayon sa TINGOG, dati ay minsan lang sa loob ng isang dekada maranasan ang malalakas na bagyo, ngunit ngayon ay taun-taon na itong tumatama at lalo pang lumalakas.

Para sa grupo, ang pagkakaroon ng isang dedicated department ay konkretong hakbang para tugunan ang lumalalang epekto ng bagong klima.

Giit pa ng TINGOG, hindi lamang dapat responsibilidad ng local government units o militar ang disaster preparedness. Kailangan umano ng mas malalim na pagbabago sa paraan ng pagpapatakbo, pagdidisenyo, at pagbibigay-prayoridad sa buhay ng mamamayan.

Dagdag pa ng grupo, hindi sapat ang pamamahagi ng relief goods matapos ang sakuna, ang pagkilos ay kailangang gawin ngayon na.

About The Author