Pormal nang isinulong ng TINGOG Party-list ang siyam na panukalang batas na binuo ng Eastern Visayas Young Leaders’ Parliament o EVYLP.
Ayon kay Rep. Jude Acidre, bilang kinatawan ng Eastern Visayas, nakikinig sila sa hinaing at mungkahi ng kabataan, tulad ng mga inilabas sa ginanap na EVYLP summit noong Dis. 10 hanggang 15.
Ang siyam na panukalang batas ay kinabibilangan ng:
Student Internship Allowance Act
Transparent Appointments in Government Act
Mangrove Buffer Act of 2025
Eco-Tourism Incentives Act of the Philippines
SK National Accountability Act
Leyte Sab-a Peatland Conservation Land
Amendments to RA 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act
Healthy Schools Environment Act
Public Health Workers Plantilla Regularization Act
Ayon kay TINGOG Rep. Yedda Marie Romualdez, isang milestone ang mga panukala ng kabataan, dahil malinaw nitong ipinapakita na sila’y aktibong bahagi sa pagbuo ng pambansang polisiya.
Dagdag naman ni Rep. Andrew Romualdez, bilang isa sa mga batang miyembro ng Kamara, nakikita niyang ang mga kabataang ito ang susunod na lider ng bansa, dahil hindi lamang sila nagsasalita, kundi naghahatid din ng solusyon.