Tatlo pang Tingog Center ang pinasinayaan ni Congw. Yedda Marie Romualdez
Ang Tingog Center na sa kabuuhan ay umabot na sa 144 na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa bansa, ay layung ilapit ang serbisyo ng pamahalan sa mga mamamayan.
Unang pinasinayaan ang bagong Tingog Center noong October 21, sa Santa Catalina, Ilocos Sur, at ito ay pinangunahan ni Santa Catalina Mayor Edgar Rapanut.
Sinundan ito ng pamamahagi ng financial assistance sa 1,000 beneficiaries na tumanggap ng ₱3,000 cash sa Ayuda para sa kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.
Kahapon pinasinayaan din ang Tingog Centers sa Pangasinan, partikular sa mga bayan ng Rosales, Malasiqui, at San Carlos.
Ka-partner ng Tingog Centers si Pangasinan 6th Dist. Rep. Marlyn Primicias-Agabas, na present sa okasyon at nanguna sa AKAP payout sa Tayug Multipurpose Gymnasium.
Habang si Congw. Rachel Arenas ng 3rd Dist. ang Tingog Center partner sa Malasiqui at San Carlos.
Matapos ang seremonya, nagkaroon din ng pamamahagi ng cash assistance sa mga kasapi ng TODA kung saan tumanggap din ng ₱3,000 ang isang libong benepisyaryo. —sa panulat ni Ed Sarto