Bibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tindig ng Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, sa nakatakda niyang keynote address sa Shangri-la dialogue sa Singapore ngayong araw ng Biyernes.
Ayon sa pangulo, isusulong niya ang posisyon ng bansa sa mga aspektong legal, geopolitical, at sa diplomasya.
Napakahalaga rin umano ng pagkakapili sa kanya bilang keynote speaker sa Shangri-la forum, sa gitna ng mga kinahaharap na hamon ng Pilipinas na nakaa-apekto hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong mundo.
Ang Shangri-la dialogue ay pinangasiwaan ng international institute for strategic studies think tank, kung saan inaasahang tatalakayin ang mga isyu sa seguridad, depensa, at regional at global issues.
Ito ay dadaluhan ng daan-daang defense ministers, military chiefs, gov’t officials, security experts, at iba pang stakeholders mula sa 40 bansa.