dzme1530.ph

Timor-Leste, ide-deport si expelled Rep. Arnie Teves

Loading

Ide-deport ng Timor-Leste Government si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, dahil sa pananatili niya sa bansa ng walang valid visa at legal authorization.

Sinabi ng tagapagsalita ng pamahalaan ng Timor-Leste, na ang desisyon ay effective immediately.

Ayon sa gobyerno ng Southeast Asian Nation, ang pananatili ni Teves ng mahigit dalawang taon ay may epekto sa bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Maaari ring paghinalaan ang Timor-Leste bilang kanlungan ng mga indibidwal na tumatakas sa batas.

Si Teves ay ang pangunahing akusado sa pagpaslang kay noo’y Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong March 2023.

About The Author