dzme1530.ph

TIGIL-PASADA NG PISTON, ITUTULOY NGAYONG BIYERNES

Loading

Ipagpapatuloy ng Piston ang kanilang transport strike ngayong araw na matapos ideklarang tagumpay ang unang araw ng kilos protesta kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Ayon kay Piston president Mody Floranda, nasa sampung libong miyembro sa Metro Manila at 70,000 sa buong bansa ang inaasahang lalahok sa kilos protesta.

 

Pangunahing puna ng grupo ang kawalan ng aksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ibasura na ang Oil Deregulation Law o ang pag-alis ng excise tax at e-vat sa produktong petrolyo.

 

Magkikita-kita anya ang Piston at iba’t ibang organisasyon sa Welcome Rotonda, sa Quezon City mamayang alas-dose ng tanghali saka magmamartsa patungong Mendiola sa Maynila.

 

Iginiit ni Floranda na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, nasa dalawang daan hanggang tatlong daang piso na lamang ang kinikita ng mga jeepney drivers.

About The Author