![]()
Ipatutupad na ng Government Service Insurance System o GSIS ang kanilang Balik Ginhawa Program o modified three-month loan moratorium.
Ipinaliwanag ng GSIS na hindi ito katulad ng traditional na loan moratorium kung saan pansamantalang ititigil muna ang pagbabayad utang ng mga miyembro.
Sa ilalim ng Balik Ginhawa, maaaring i-refund ng mga miyembro ang kanilang loan amortizations ng tatlong buwan.
Saklaw nito ang loan amortization mula December 2025 hanggang February 2026.
Sinabi ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na layunin ng programa na matulungan ang kanilang mga miyembro na makaagapay sa kinakaharap na krisis sa ngayon.
