Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang pinangangambahang “The Big One” ay kabilang sa mga ikino-konsidera sa nagpapatuloy na reclamation project sa Manila Bay.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga na sakaling mangyari ang Big One o ang paggalaw ng west valley point na magdudulot ng malakas na lindol, nakikitang mahahati ang Metro Manila sa apat na segments at kabilang sa mga mahihiwalay sa main land ang coastal areas na nakaharap sa Manila Bay.
Kasama rin dito ang “potential tsunami” na maaaring idulot ng The Big One.
Sinabi ni Yulo-Loyzaga na ang mga nabanggit na geologigal events ay posibleng makaapekto sa plano ng reclamation project.
Samantala, idinagdag ng DENR Chief na kailangan din i-konsidera ang tumataas na lebel ng tubig sa karagatan.
Layunin ng reclamation project na ma-reclaim at mapakinabangan ang mahigit 10,000 ektarya ng lupa sa Manila Bay. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News