dzme1530.ph

Thailand, nagdeklara ng martial law sa gitna ng gulo kontra Cambodia

Loading

Nagdeklara ng martial law ang Thailand sa walong distrito nito malapit sa border ng Cambodia.

Kinumpirma ito ni Thailand Acting Prime Minister Phumtham Wechayachai, kasunod ng patuloy na labanan sa pagitan ng dalawang bansa.

Matatandaang nitong Huwebes, nagkaroon ng palitan ng putukan sa pagitan ng Thailand at Cambodia, kung saan mahigit 138,000 indibidwal ang inilikas mula sa border region ng Thailand.

Umabot na sa 15 ang nasawi sa nagpapatuloy na digmaan.

Inaasahan namang magdadala ng mas madugong giyera ang nasabing martial law.

About The Author