dzme1530.ph

Thailand, ibo-boycott ang kickboxing event ng SEA Games.

Ikinagalit ng Thai officials ang plano ng Cambodia na palitan ang pangalan ng kanilang national sport mula Muay Thai ay gagawing Kun Khmer para sa Southeast Asian Games.

Ayon kay Charoen Wattanasin, Vice-Chairman ng National Olympic Committee Ng Thailand, hindi inendorso ng International Olympic Committee ang terminong Kun Khmer.

Binigyang diin ng opisyal na labag ito sa International Regulations para sa sports competition.

Bagaman mas kilala ang pangalang Muay Thai sa buong mundo, iginiit ng Cambodian Officials na ang sport ay nagmula sa kanilang Khmer culture.

Ang event ay isa sa mga serye ng combat sports sa 11-country regional games, kasama ang regular Kickboxing, Karate, Taekwondo, Kun Bokator at Vovinam.

Gaganapin ang SEA Games sa mayo kung saan magsisilbing host ang Cambodia sa unang pagkakataon makalipas ang 60 taon.

About The Author