dzme1530.ph

Thailand conglomerate Charoen Pokphand Group, mag-iinvest ng karagdagang $1.5-B sa Pilipinas

Maglalagak ang Thailand conglomerate na Charoen Pokphand Group ng karagdagang $1.5 billion na puhunan sa Pilipinas.

Sa pulong sa Laperal Mansion sa Malacañang Complex, tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at CP Group Chairman Soopakij “Chris” Chearavanont ang agricultural projects at iba pang paksa.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na sisimulan ng Thailand multinational company ang pagpapalawak ng business operations sa Pilipinas, sa pagtatayo ng 10,000-ektaryang modernized mega farm.

Una nang nag-commit ang CP Group ng $2.5 billion investments sa agriculture sector ng bansa.

About The Author