dzme1530.ph

Rep. Arnie Teves, sinibak sa kamara dahil sa disorderly behavior at paglabag sa Code of Conduct

Tuluyan nang sinibak bilang kinatawan ng 3rd District ng Negros Oriental si Cong. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. dahil sa disorderly behavior at paglabag sa Code of Conduct ng House of Representatives.
Sa sesyon ngayong gabi kinatigan ng 265 House members ang Committee Report 717 ng House Committee on Ethics and Privileges kung san inirerekominda ang maximum penalty of expulsion o pagsibak kay Teves bilang kongresista.
Ayon kay Cong. Felimon Espares, chairman ng komite, napatunayan na nilabag ni Teves ang kanyang Oath of Office at nagpakita ng disorderly behavior.
Patunay nito ang paulit-ulit na pagtatangka nito na mabigyan ng “Political Asylum” sa bansang Timor-Leste, at patuloy na pag-absent sa sesyon ng walang sapat na dahilan kaya maituturing na anita itong “abandonment of his office.”
Dahil sa absences ni Teves, nawalan umano ng tamang representasyon ang mga mamamayan ng 3rd District ng Negros Oriental na siyang naglukluk sa kanya sa kongreso.
Matapos na ipresenta at pagbotohan sa Plenary ang Committee Report 717, sumang-ayon ang 265 sa rekomendasyon o bomoto ng “YES,” zero “NO” at 3 ang nag-abstain sa katauhan nina Rep. Arlene Brosas ng Partylist GABRIELA, Rep. France Castro ng ACT Teacher Partylist, at si Rep. Raoul Manuel ng Partylist Kabataan.
Agad namang nilinaw ni Basilan Cong. Mujiv Hataman na present siya sa Plenary subalit hindi siya nakibahagi sa botohan dahil sa tingin nito na ang “Terror Tag” kay Teves na isa sa naging batayan ng parusang expulsion ay “dangerous precedent.”
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo ng Negros Oriental at 10 iba pa, ay ideneklara bilang “terrorist group” ng Anti-Terrorism Council kasama ang kapatid nitong si dating governor at kongressman Henry Pryde Teves at 11 iba pa. -Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author