dzme1530.ph

Testimonya ng mga suspek sa Degamo slay, posibleng bawiin

Posibleng bawiin ng iba pang suspect-witness ang kanilang mga testimonya sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo na maaari itong mangyari gayong apat na suspek na ang bumawi ng kanilang mga pahayag na may alam sila sa nangyaring pagpatay sa gobernador at ang umano’y utak nito ay si suspended Cong. Arnie Teves Jr.

Naniniwala naman ang Department of Justice (DOJ) na matibay ang hawak nilang ebidensya at hindi maaapektuhan ng mga binawing testimonya ang kaso.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang biyuda ni Degamo na maibibigay ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang asawa at ng siyam pang indibidwal upang maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa Negros Oriental. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author