PINAKAKASUHAN ni Senador Sherwin Gatchalian ang isa sa mga tumestigo sa Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy na ngayon ay bumabawi sa lahat ng kanyang testimonya.
Sinabi ni Gatchalian na dapat sampahan ng kasong perjury si Michael Maurillo, alays Rene matapos siyang magsinungaling sa Senado.
Ipinaalala ng senador na bago magsalita sa Senado ay nanumpa si alyas Rene na magsasabi ng pawang katotohanan lamang kaya’t binigyan siya ng pagkakataong magsalita para makamit ang hustisya at katotohanan.
Lumabalas aniya ngayon na nagsinungaling si alyas Rene sa Senado at sa taumbayan at ito ay isang malaking sampal sa mataas na kapulungan bilang isang institusyon.
Batay sa kumalat na video, sinabi ni alyas Rene na binayaran siya ni Senator Risa Hontiveros para tumestigo laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at kay Pastor Quiboloy.