dzme1530.ph

TESDA, DSWD lumagda ng MOA para sa sustainable livelihood program

Lumagda ng isang memorandum of agreement ang TESDA, at DSWD para sa isang sustainable livelihood program upang magbigay ng capacity-building interventions sa mga benepisyaryo nito.

Layon ng TESDA at DSWD na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino partikular na ang nasa marginalized sector.

Sa ilalim ng kasunduan, nangangako ang TESDA at DSWD sa pagbibigay ng skills training, livelihood programs, at complementary support program services para sa socio-economic upliftment ng buhay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at non-4Ps beneficiaries.

Ang TESDA ay maglalaan ng mga scholarship slot at pagsasanay para sa mga benepisyaryo nito.

Sinabi ni TESDA director general Danilo Cruz na ang ahensiya ay kaisa ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno, gayundin ang pribadong sektor para tumulong na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author