Tuloy-tuloy na ang ginagawang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagsasaayos ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na inaasahan na nilang mailalabas ang terms of reference ng bidding sa unang bahagi ng Agosto para sa privatization ng MIAA.
Habang tatanggap na sila ng mga bidding proposal sa huling bahagi ng Nobyembre at bago matapos ang taon ay maiwarad na ang proyekto.
Bahagi anya ng modernisasyon ng MIAA ay ang pagsasaayos ng pasilidad at kagamitan at pamumuhunan sa infrastructure project ng apat na terminal ng NAIA.
Mamumuhunan anya ang mananalong bidder ng mahigit P160-B para sa 15 yrs concession, o operasyon ng mga terminal nito.
Nais ng DOTr na magkaroon ng mas malaking kapasidad ang mga paliparan para sa mga pasahero, makabili ng mga bagong kagamitan at maisaayos ang landing system na magpaparami ng biyahe ng mga eroplano. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News