dzme1530.ph

Tensyon sa pagitan ng China at PH, ‘di dapat makaapekto sa ibang usapin para sa ekonomiya

Iginiit ni Sen. Francis Escudero na hindi dapat makaapekto sa mamamayan ang iringan o pagtatalo ng dalawang bansa.

Ginawa ni Escudero ang pahayag bilang tugon sa pahayag ni Civic Leader Teresita Ang See na mapanganib at nakalulungkot ang sinophobia at racism na mga komento sa sinasabing pagdagsa ng mga Chinese students.

Ayon kay Escudero, nauunawaan niya ang pinanghuhugutan ni Ang See sa kanyang naging pahayag.

Sinabi ng senador na paulit-ulit niyang sinasabi na ang territorial dispute sa pagitan ng China, Pilipinas at iba pang ASEAN countries ay hindi dapat makahahadlang o makaapekto sa economic, cultural, educational at iba pang uri ng exchanges at pagtutulungan.

Mas dapat anyang pagtuunan ang mga bagay na pinagkakasunduan sa halip na mga usapin na pinagtatalunan.

Ayon kay Escudero, maganda ang maitutulong sa ating ekonomiya kung maraming dayuhang estudyante o foreign student dollars ang mahihikayat mag-aral sa bansa sa halip na marami tayong kababayang guro ang nag-aabroad at napapalayo sa pamilya para magturo sa ibang bansa.

About The Author