![]()
Pinasisilip ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos sa Kamara kung resonable ba ang telecommuting at flexible work arrangements sa manggagawa, sa harap ng tumataas na bayarin sa kuryente at gas dahil sa global energy uncertainties.
Sa HB No. 855 ni Marcos, inatasan nito ang House Committees on Labor and Employment at Trade and Industry na magdaos ng joint inquiry in aid of legislation sa implementasyon ng Telecommuting Act at flexible work policies ng pamahalaan.
Saad ni Marcos ang ‘geopolitical tension at armed conflict’ sa Middle East ay nagdudulot ng panganib sa global oil supply chain, na ang resulta ay mataas na fuel prices at electricity costs.
Hindi maiiwasan na maapektohan nito ang ekonomiya ng Pilipinas at pang araw-araw na pamumuhay ng Filipino workers.
Aniya, sa panahon na may economic disruption dahil sa global energy shocks, ang telecommuting ay epektibong mekanismo para bawasan ang transportation demand, ibaba ang energy consuption sa workplaces, at maagapayan ang trabahador at negosyante.
Dahil dyan nais nitong gampanan ang oversight function ng Kamara upang tingnan ang Telecommuting Act at flixible work setup sa gov’t at private sector ay nagbebenepisyo talaga ang mga kawani, employers, at national economy.
Inaasahan ni Marcos ang rekomendasyon ng dalawang komite na isusumite kay Speaker Faustino Bojie Dy III, kabilang ang posibleng legislative measures o policy actions para malakas pa lalo ito sa buong bansa.
