Pinangangambahan ng Committee on Maternal Perinatal Welfare ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas.
Ayon sa Head ng Committee on Maternal Perinatal Welfare na si Dr. Gladies Rioferio, ang iba sa mga kaso ay nag-ugat sa sexual abuse.
Ilan aniya sa mga ito ay ginawa mismo ng kamag-anak ng biktima.
Nakita rin sa datos na ang mga 10-year-old pababa ay mayroon nang boyfriend na doble ang tanda sa kanila.
Karamihan sa mga biktima ng sexual abuse ay hindi nagsusumbong dahil sa takot na hindi sila paniwalaan o balikan sila ng mga nang-abuso sa kanila.