dzme1530.ph

Teacher Georcelle, nilinaw ang umano’y tampuhan nila SG

Isiniwalat ng sikat na choreographer ng G-Force na si Georcelle ang dahilan ng tila break-up nila ni Sarah Geronimo.

Ayon sa statement ni Georcelle kay Ogie Diaz, artistic differences ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ngunit suporta naman aniya ito sa new chapter ng career ni Sarah.

Bagaman masakit aniya ito para sa G-Force, ay maluwag sa puso niya na tanggapin ang pagbabago na gusto ni Sarah at mayroon aniya siyang right to exercise artistic freedom.

Kwento ni Georcelle, kinailangan nilang mag-back-out noong March para hayaang ma-experience ni sg ang creative freedom at maging ultimate decision maker sa pag-produce at pag-direct sa kanyang 20th Anniversary Concert. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author