dzme1530.ph

Taylor Sheesh, traumatized matapos ang performance sa isang fiesta sa Pangasinan

Hindi naitago ng drag sensation na si Taylor Sheesh, na kilala sa panggagaya kay Taylor Swift ang kaniyang nararamdamang takot sa naging karanasan sa isang fiesta sa Pangasinan.

Ayon sa drag artist, na-trauma siya nang saktan o atakihin ng isang lalaki, habang nagpeperform sa “Kalutan Concert” sa Bayambang noong linggo, April 7.

“This is traumatic. Literally. I’m shaking rn,”

ani ni Sheesh na ang real name ay Mac Coronel, sa isang X post.

Dahil dito, nagpahayag ng simpatya ang mga netizen para sa pinoy drag sensation kasunod ng distressing incident.

Umugong din ang mga usapin hinggil sa kahalagahan ng pagtitiyak ng seguridad at respeto sa mga performer, anuman ang kanilang gender identity o sexual orientation.

Samantala, kinondena ni Mayor Niña Jose Quiambao ang pananakit at tinawag ito bilang “homophobic” kasabay ng paghingi ng paumanhin at pagsisiguro na makakamit ni Sheesh ang hustisya.

About The Author