Inaprubahan na ng Senado sa 3rd and final reading ang Senate Bill1806 o ang proposed Taxpayer’s Bill of Rights and Obligations Act.
Sa botong 22 pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan ang panukala na nagmamandato sa pamahalaan na magtayo ng Office of the National Taxpayer Advocate (ONTA) na layung protektahan ang mga taxpayer.
Magiging tungkulin ng ONTA ang itaguyod ang tax compliance at asistehan ang mga taxpayer.
Ang opisinang ito ay magiging independent at autonomous office na mapapasailalim sa Department of Justice (DOJ).
ilan pa sa mga magiging tungkulin ng ONTA ay ang tulungan ang publiko sa mga katanungan nila sa pagbabayad ng buwis; katawanin ang mga taxpayer at tulungan sila sa mga tax cases, complaints at proceedings; magsagawa ng regular na information, education at communication programs; magrekomenda ng mga remedial administrative measures sa mga otoridad para mapagaan ang proseso ng pagbabayad ng buwis; imonitor ang mga tax issuances; at magsagawa ng mga capacity training program at training para sa mga opisyal at empleyado ng ONTA.
Kabilang ang panukalang taxpayers bill of rights sa 20 priority measures ng Kongreso para sa taong ito. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News