dzme1530.ph

Tatlong OFWs, nasawi sa malawakang pagbaha sa UAE

Tatlong Overseas Filipino Workers ang nasawi sa pagbaha sa United Arab Emirates, ayon sa Department of Migrant Workers.

Sa post sa X, sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, na dalawang OFW ang namatay bunsod ng suffocation sa loob ng kanilang sasakyan nang bumaha, habang ang isa pa ay dahil sa vehicular accident.

Tiniyak naman ni Cacdac ang buong suporta at tulong ng pamahalaan sa mga pamilya ng mga nasawing Pinoy.

Noong Martes ay bumuhos ang napakalakas na ulan na nagpabaha sa mga kalsada, kabahayan, at mga mall, at bahagya ring nagpatigil sa operasyon ng airport sa Dubai, bunsod ng bagyo na nag-iwan ng 18 bangkay sa oman.

Sa panayam ng DZME 1530-ang Radyo Uno kay Owwa Administrator Arnel Ignacio sinabi nitong walang masisisi sa insidente gayung hindi inaasahan ang malakas na ulan sa Dubai.

About The Author