![]()
Inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon sa mga petisyon laban sa tatlong lokal na opisyal na nanalo sa 2025 midterm elections.
Batay sa resolusyon ng Comelec, pinagtibay ang disqualification ni Cabuyao City Mayor Dennis Hain dahil sa umano’y pamimili ng boto, isang paglabag sa Omnibus Election Code.
Tinanggal din sa puwesto si Albay Governor Noel Rosal matapos mapatunayang nagsumite ng maling impormasyon sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) kaugnay ng hatol ng Ombudsman laban sa kaniya sa kasong grave misconduct. Dahil dito, idineklara ng Comelec na stray votes ang mga boto kay Rosal noong halalan.
Samantala, pinawalang-bisa rin ng Comelec ang proklamasyon ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit dahil sa isyu ng residency. Ayon sa poll body, ipatutupad ang rule of succession, kung saan ang vice mayor ang uupo bilang bagong alkalde ng lungsod.
