Kinabibilangan ito ng San Lazaro hospital sa Manila, Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City, at Amang Rodriguez hospital sa Marikina City.
Ayon kay Dr. David Suplico, Officer-in-charge ng San Lazaro medical services, umaabot sa 1,800 hanggang 2,000 ang kanilang mga pasyente.
Aniya, karaniwang tumataas ang animal bite cases tuwing summer kaya dagsa rin ang mga pasyenteng nangangailangan ng bakuna.
Inamin ni Suplico na minsan ay nauubusan ang ospital ng bakuna bunsod ng mataas na demand, subalit mabilis namang napapalitan ang kanilang stocks.