dzme1530.ph

Tatlo hanggang apat na heneral, kabilang sa short-list para sa susunod na PNP Chief

Tatlo hanggang apat na aspirante ang nasa short-list ng posibleng ipapalit kay Philippine National Police Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na magre-retiro sa April 1.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr., na isusumute niya ang listahan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ngayong weekend.

Una nang pinalawig ni Pangulong Marcos ang termino ni Acorda hanggang sa march 31, na dapat sana ay nag-retiro na noong December 3, 2023, pagsapit nito sa retirement age na 56.

Inihayag din ni Abalos na kahit magsabi siya ng kaniyang posisyon tungkol sa mga aspirante, ang Pangulo, bilang Commander-in-Chief pa rin ang may hawak ng pinal na desisyon.

Sinabi pa ng kalihim na, na-kay Pangulong Marcos din kung palalawigin pa nito ang termino ni Acorda.

About The Author