Posibleng ilagay sa mga item sa unprogrammed fund ang dagdag pang tatapyasing pondo sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian makaraang ibabala na maaaring tapyasan pa nila ng P348 bilyon ang pinababa nang pondo ng DPWH.
Sinabi ni Gatchalian na sa naturang pondo, maaaring ilagay ang P2.7 bilyon sa hinihinging dagdag ng Commission on Audit (COA) para sa kanilang pre-audit activities.
Ang iba pang pondo ay posible nang ilagay sa mga item na inilagay ng Kamara sa unprogrammed fund.
Sa ganitong paraan, aniya, ang matitira na lamang sa unprogrammed appropriations ay ang foreign-assisted projects.