dzme1530.ph

Task Force El Niño, pinaghahanda na sa posibleng pagpasok ng La Niña

Pinaghahanda na ang Task Force El Niño para sa posibleng pagpasok ng La Niña sa susunod na buwan.

Ayon kay Task Force El Niño Chairman at Defense Sec. Gibo Teodoro, batay sa bulletin ng PAGASA ay inaasahang papasok na ang La Niña sa Hunyo, Hulyo, o Agosto.

Ito ay sa harap na rin ng paghina ng El Niño.

Kaugnay dito, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay pinakikilos na ang lahat ng ahensyang miyembro ng task force para sa La Niña, kung saan inaasahan ang mas madalas at mas malalakas na pag-ulan.

Sinabi ni Teodoro na kailangang gawin ang lahat upang maibsan ang pinsala ng El Niño sa buhay at mga ari-arian.

About The Author