dzme1530.ph

Tarlac Provincial Government, walang alam sa POGO operations sa Bamban City

Inamin ng isang opisyal mula sa Tarlac Provincial Government na wala silang alam na mayroong nagaganap na iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bayan ng Bamban, bago ito salakayin ng mga otoridad kamakailan.

Sinabi ni Tarlac Provincial Information Officer Arvin Cabalu na alam nila ang mga gusali sa loob ng Baofu compound sa Bamban subalit blangko sila na ginagamit pala ito sa mga iligal na aktibidad.

Idinagdag ng opisyal na hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng senado bago magpasya sa kanilang susunod na hakbang.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng senado si Guo at ang umano’y kaugnayan nito sa POGO Hub sa pinamumunuan nitong bayan.

About The Author