dzme1530.ph

Target na 92-M National ID cards, bigo pang makamit

Mahigit 30-M sa target na 92-M national identification cards ang natapos ng service provider ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Claire Dennis Mapa sa naganap na deliberasyon sa Kamara kaugnay sa panukalang P5.768-T na pondo para sa 2024.

Ani Mapa, nasa 75.4-M physical at digital ID ang na-imprenta na, at sa naturang bilang ay 36-M ang physical national ID card.

Sinabi naman ni BSP Senior Assistant Gov. Iluminada Sicat na aabot sa 80,000 ID bawat araw ang na-iimprenta ng kontraktor, na mas mababa kumpara sa inaasahang 126,000 cards kada araw.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang PSA sa BSP para hilingin sa service provider nito na dagdagan ang printing lines upang mapabilis at agad na matapos ang pag-iimprenta. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author