dzme1530.ph

TAPE, may P30.5-M na utang kay Vic Sotto at Joey de Leon

Nagsalita na ang senator / TV host na si Tito Sotto kaugnay sa umano’y pagsisinungaling at pagpapakalat ng fake news ni Dapitan Mayor at kasalukuyang Tape Inc. Chief Finance Officer na si Bullet Jalosjos.

Tinawag na “liar” ng dating senador si Bullet dahil sa inilabas na statement nito na walang problema sa finances ng Eat Bulaga at walang utang ang Tape Management sa kapatid nito at isa ring OG ng Eat Bulaga na si Vic Sotto.

Binigyang diin ni Tito na hindi nila nakita si Bullet ng 43 years habang umeere ang programa kaya wala aniyang alam ito sa mga nangyayare.

Sa katunayan aniya ay magda-dalawang taon nang hindi binabayaran ng management sina Vic at Joey De Leon at may utang na itong P30.5-M na posibleng mas mataas pa dahil hindi pinapakita ng finance department ang actual record.

Matatandaang sa isang interview ni Bullet ay sinabi nito na mayroong “very good relationship” ang kanyang ama sa iconic trio ng Eat Bulaga at sinisiguro umano nito na bayad ang kanyang mga talent. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author