dzme1530.ph

Tao umano ni Usec. Cabral, tinukoy na nanghingi ng listahan ng insertion sa DPWH budget kay Sotto

Loading

Ibinunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang umano’y opisyal ng DPWH na tumawag kay Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III para sa maagang insertions sa panukalang pambansang budget para sa 2026.

Ayon kay Lacson, may staff ni Sotto na tinawagan ng nagpakilalang si “Undersecretary Cabral” ilang araw matapos ang halalan sa Senado noong Mayo.

Kinumpirma ni Sotto na may tumawag na emisaryo umano ni Cabral at tinanong kung nais nitong magpasok ng insertion sa budget ng DPWH, bagay na tinanggihan nito dahil hindi ito kanyang gawain at posible aniyang trap.

Nakalista sa website ng DPWH si Maria Catalina E. Cabral bilang undersecretary for planning, public-private partnership, and information management services.

Ayon pa kay Sotto, kilala na ni Lacson ang opisyal na may hawak ng listahan ng mga mambabatas na nagpasok ng insertions sa nakaraang budget.

Nagpahiwatig itong hintayin na lang ang pagbubunyag ni Lacson sa Miyerkules.

About The Author