Iimbestigahan ng Kamara ang tangkang demolisyon sa Mayhaligue, Tondo Manila kamakailan.
Ayon sa priviledge speech ni MANILA 2nd District Rep. Rolando Valeriano, ang Committee on Metro Manila Development na kanyang pinamumunuan ang magsisiyasat.
Naging tensyonado ang tangkang demolisyon sa pagitan ng mga residente at sheriff team ng Maynila, subalit kalaunan ay nagpasya ang korte na hUwag na muna ituloy ang paggiba sa mga kabahayan.
Kinuwestyon ni Valeriano ang legalidad ng demolisyon, at kung may clearance ba ito sa Presidential Commission for Urban Poor.
Reklamo din ng mga residente ang kawalan ng malinaw na abiso.
Tanong pa ni Valeriano, may inilaan na bang relokasyon sa mahigit 400 pamilya na dekada nang nakatira sa lugar.
Apela ng mababatas, magkaroon muna ng moratorium sa demolisyon.