Bisikleta ang nagsilbing alternatibong paraan ng transportasyon nang tumama ang COVID-19 pandemic. Maraming benepisyo ang pagbibisikleta kaya naman kahit balik na sa pagpasada ang mga jeep at bus ay may ilan pa rin na pinanindigan ang pagpadyak patungo sa kanilang trabaho.
Sa pamamagitan ng pagbibisikleta ay nababawasan ang panganib na magkaroon ng cardio-vascular disease at iba pang karamdaman. Nakabubuti ito sa puso, baga at daloy ng dugo. Nakakapayat o nakababawas din ito ng timbang dahil sa nasusunog na calories. Nagpapatibay din ito ng ibabang bahagi ng katawan, gaya ng quads, glutes, hamstrings at calves.
Ang pagbibisikleta ay katumbas ng pag-e-ehersisyo, kaya malaki ang tsansa na ma-achieve ang pinapangarap na chest, butt, waist, at musles. —sa panulat ni Lea Soriano