dzme1530.ph

Tambay ilulunsad ang unang ‘S’kwater Runway’ para itampok ang kulturang kalye ng Pilipino

Loading

Ilulunsad ng Tambay, ang lifestyle brand na kilala sa world-class caps at itinatag ng rapper na si Pio Balbuena, ang kauna-unahang S’kwater Runway sa Sabado, Setyembre 20, 2025 sa Quezon City.

Gaganapin ang fashion event alas-3 ng hapon sa harap ng Philippine Science High School Administration Building sa Agham Road. Tampok dito ang pagpapakita ng tunay na kultura at istilo ng kalye ng mga Pilipino.

Ayon kay Balbuena, layunin ng runway na bigyang-daan ang street culture ng bansa na makilala hindi lang sa lokal na komunidad kundi maging sa pandaigdigang entablado.

About The Author