dzme1530.ph

Taiwan, nagbabala laban sa posibleng pagpasok ng mga militar ng China sa kanilang teritoryo

Nagbabala ang Defense Minister ng Taiwan na si Chiu Kuo-Cheng na maging alerto laban sa posibleng pagpasok ng mga militar ng China sa kanilang teritoryo sa gitna ng tumitinding military tension.

Nabatid na pina-igting ng China ang kanilang military activities sa paligid ng Taiwan sa mga nakalipas na taon, kabilang ang halos araw-araw na paglusob ng air force sa air defense identification ng isla.

Pero, nilinaw ng Taiwan na wala pa silang nai-uulat na insidente ng pagpasok ng Chinese forces sa kanilang Contigous Zone, na kung saan ito ay 24 nautical miles o 44.4 kilometers mula sa coastline.

Samantala, tiniyak ng Taiwan na palalakasin pa nila ang karapatan kaugnay sa self-defense at counter attack sakaling umatake ang militar ng China sa kanilang teritoryo.

About The Author