dzme1530.ph

Taguig Mayor Lani Cayetano, hiniling sa SC na imbestigahan ang ‘false claims’ ni Makati Mayor Abby Binay sa pinag-aagawan nilang teritoryo

Nagpasaklolo si Taguig Mayor Lani Cayetano sa Supreme Court para imbestigahan ang “false claims” ni Makati Mayor Abby Binay tungkol sa kasong kinasasangkutan ng territorial dispute sa pagitan ng kani-kanilang nasasakupang lungsod.

Sa extremely urgent manifestation with motion na inihain ngayong Martes, hinimok ni Cayetano ang Korte Suprema na obligahin ang petitioner ng Makati at si Mayor Binay na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan.

Reaksyon ito ng alkalde ng Taguig sa sinabi ni Binay sa nakatanggap umano ang Makati City ng order mula sa SC na nagtatakda ng oral arguments sa kaso ng land dispute sa Fort Bonifacio Military Reservation.

Sa isang press conference noong Abril, inihayag ng kataas-taasang hukuman na napagpasyahan “with finality,”   na ang buong Fort Andres Bonifacio, kabilang ang Bonifacio Global City, at ilang enlisted men’s barangays ay sakop ng Taguig. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author