dzme1530.ph

Juan Miguel Zubiri

Miyembro ng Solid 7 bloc sa senado, posibleng sumanib sa Minority bloc

Inamin ni Sen. Joel Villanueva na posibleng nasa 3 o 4 na miyembro ng “Solid 7” bloc ng Senado ang nakahandang sumali sa Minority bloc kasunod ng pagpapalit ng kanilang lider. Sinabi ni Villanueva na isa ito sa mga opsyon sa kanilang planong “moving forward” bilang mga miyembro ng Senado. Bukod kay dating Senate President […]

Miyembro ng Solid 7 bloc sa senado, posibleng sumanib sa Minority bloc Read More »

Senate minority leadership ni Pimentel, posible ring manganib

Aminado si Senate Minority Leader Aquilno “Koko” Pimentel III na nanganganib din ang kanyang pwesto sakaling magdesisyon ang tinatawag na solid 7 sa senado na magsisilbi na ring bahagi ng Minority bloc. Ang bagong grupo ay kinabibilangan nina senators Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Jv Ejercito, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda at Sonny Angara.

Senate minority leadership ni Pimentel, posible ring manganib Read More »

Cha-cha, pangunahing dahilan ni SP Escudero sa kudeta kay Sen. Zubiri

Kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang usapin sa Charter Change ang pangunahin niyang dahilan sa pagsusulong ng pagpapalit ng liderato sa Senado. Nilinaw ni Escudero na ito ay sa kanyang panig lamang at iba pa ang mga dahilan ng 14 pang senador na lumagda sa resolution para sa pagpapatalsik kay dating Senate

Cha-cha, pangunahing dahilan ni SP Escudero sa kudeta kay Sen. Zubiri Read More »

Sen. Juan Miguel Zubiri, heartbroken sa kanyang liderato

Aminado ang nagbitiw na Senate President na si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na heartbroken siya sa nangyari sa kanyang liderato. Sinabi ni Zubiri na hindi naman siya naging kalaban ng administrasyon subalit aminadong ang hindi niya pagsunod sa mga instructions ang naging dahilan ng tuluyang pagpapalit sa kanya bilang lider ng Senado. Nangako naman

Sen. Juan Miguel Zubiri, heartbroken sa kanyang liderato Read More »

Imbestigasyon sa sinasabing wiretapping ng Chinese Embassy, posibleng mauwi sa executive session

Aminado si Senate President Juan Miguel Zubiri na masyadong sensitibo ang usapin sa sinasabing wiretapping ng Chinese Embassy sa usapan umano ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa new model sa resupply mission sa BRP Sierra Madre. Sinabi ni Zubiri na tatalakayin muna nila sa close door meeting kasama si

Imbestigasyon sa sinasabing wiretapping ng Chinese Embassy, posibleng mauwi sa executive session Read More »

Suporta para sa pangangailangan sa West PH Sea, tiniyak ng Senado

Tiniyak ni Senate Prsident Juan Miguel Zubiri na tuloy-tuloy ang suporta ng Senado sa mga pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa patuloy na paglaban sa soberanya ng bansa sa West Philippine Sea. Ginawa ni Zubiri ang pangako makaraang pangunahan ang groundbreaking ceremonies sa itinatayong Marine Barracks at

Suporta para sa pangangailangan sa West PH Sea, tiniyak ng Senado Read More »

PBBM, hihimuking aprubahan ang panukala ng DEPED para maibalik ang Old School Calendar

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hihilingin niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na aprubahan ang agresibong panukala ng Department of Education na tapusin  sa  buwan ng Marso ang school year 2024 to 2025 upang masimulan na uli ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo sa susunod na taon. Sinabi ni Zubiri

PBBM, hihimuking aprubahan ang panukala ng DEPED para maibalik ang Old School Calendar Read More »

Interpelasyon sa mga panukalang target ipasa ng Senado, bibilisan na ng mga senador

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na napagkasunduan nila sa all-senators caucus na bibilisan nila ang interpelasyon sa 20 panukala na target nilang aprubahan bago mag-adjourn ang sesyon sa Mayo a-24. Sinabi ni Zubiri na pangunahin nilang tututukan at titiyaking maipasa ang mga panukala na may malaking impact o malaking maitutulong sa ekonomiya at

Interpelasyon sa mga panukalang target ipasa ng Senado, bibilisan na ng mga senador Read More »

Pagbuo ng Task Force para sa pinatay na broadcaster, inirekomenda ni Zubiri

INIREKOMENDA ni Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na bumuo ng Task Force para matutukan ang imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay kay Juan Jumalon sa Misamis Occidental. Kasabay ito ng mariing pagkondena ng lider ng Senado sa panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag sa bansa. Pinatitiyak din ni Zubiri

Pagbuo ng Task Force para sa pinatay na broadcaster, inirekomenda ni Zubiri Read More »

Confidential fund ng mga Civilian Agency, ililipat sa kanilang MOOE

MULING tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tatanggalan nila ng Confidential Fund ang lahat ng civilian agencies na hindi dapat tumanggap ng pondo. Sa kabila nito, wala pang inilalabas na report mula sa binuo nilang Senate Special Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds (CIF) Ipinaliwanag ni Zubiri na bago pa man nagdesisyon

Confidential fund ng mga Civilian Agency, ililipat sa kanilang MOOE Read More »