Pagpasok ng poultry products mula sa 4 pang estado sa Amerika, ipinagbawal ng DA bunsod ng bird flu
Apat pang estado sa Amerika ang isinama ng Department of Agriculture (DA) sa temporary import ban ng poultry products upang maiwasan ang paglaganap ng highly pathogenic avian influenza (HPAI). Kasunod ito ng naiulat na outbreaks ng H5N1 bird flu sa Illinois, Minnesota, Ohio, at Wisconsin, na kinumpirma ng US Animal and Plant Health Inspection Service. […]