Siltation, itinurong sanhi ng Pangulo sa pagbaha sa Ilocos Norte sa kasagsagan ng bagyong “Julian”
Itinuro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siltation bilang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Ilocos Norte sa kasagsagan ng bagyong “Julian”. Sa situation briefing sa Laoag City, inihayag ng Pangulo na ang pagiging mababaw ng mga ilog ang pinag-ugatan ng mga pagbaha at pinsala sa kanyang home province, kabilang na ang nasirang Gabu Dike. […]