Lookout bulletin order laban sa mga sangkot sa flood control projects, hindi pa natatanggap ng Immigration
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na wala pa silang natatanggap na Lookout Bulletin Order mula sa Department of Justice (DOJ) laban sa 20 indibidwal na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects. Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, patuloy silang nakamonitor sakaling maglabas ang DOJ ng hold departure order laban sa mga naturang opisyal. […]