Ombudsman, kailangan munang maghintay ng hatol ng impeachment court kay VP Sara, ayon sa House prosecution
Kailangan munang hintayin ng Office of the Ombudsman ang hatol ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte bago magpasya kung haharap ito sa criminal prosecution, batay sa nakasaad sa Ombudsman Law. Paliwanag ni House Prosecution Panel Spokesperson Antonio Audie Bucoy, ang impeachment proceedings ang pinakamataas na antas para papanagutin ang isang impeachable official. […]