21 seafarers mula sa inatakeng MV Tutor vessel sa Red Sea, darating sa bansa ngayong Lunes
Darating sa bansa ngayong Lunes, Hunyo 17, ang 21 mula sa 22 Filipino seafarers mula sa MV Tutor vessel na inatake ng Houthi Rebels sa Red Sea at Gulf of Aden. Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating noong Sabado ang mga Pinoy sa port of Manama, at lahat sila ay nasa maayos na kalagayan. […]