dzme1530.ph

Tabunok, Cebu, unang nakapag-transmit ng election results

Loading

Natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang unang transmission ng poll results mula sa Tabunok, Cebu habang 27% turnout mula sa Central Luzon, as of 7:32 kagabi.

Inihayag ng PPCRV na kailangan munang mai-proseso ang datos bago ito maipakita sa publiko.

Una nang sinabi ni PPCRV Spokesperson Ana Singson na mas mabilis na ang pag-anunsyo ng resulta ng Halalan ngayon bunsod ng technological advancement na nagpadali sa proseso ng eleksyon.

Kabilang na aniya rito ang 5G connectivity at deployment ng mahigit 10,000 Starlink terminals sa buong bansa.

About The Author