dzme1530.ph

Taas-sweldo sa mga kawani ng gobyerno, hiniling na mabanggit sa ikatlong SONA ng Pangulo

Umaasa ang Dep’t of Budget and Management na mababanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang taas-sweldo sa mga kawani ng pamahalaan, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address mamayang hapon.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, hinihintay na ng mga nagta-trabaho sa gobyerno ang umento sa kanilang sahod.

Kasalukuyang isinasagawa ng DBM at Governance Commission for GOCCs ang pag-aaral para sa posibleng salary adjustment sa gov’t employees.

Samantala, umaasa rin si Pangandaman na ibibida ng Pangulo ang magandang estado ng ekonomiya at employment rate, at mga hakbang ng administrasyon laban sa korapsyon.

Una nang pinuri ng DBM ang pagsasabatas ng Pangulo sa New Gov’t Procurement Act na magpapaigting ng transparency at efficiency sa gov’t procurement process.

About The Author