Matapos isulong at ganap na maging batas ang Teaching Supplies Allowance, umento sa sahod ng mga guro naman ang pagtutunan ng pansin ng ACT Teachers Partylist.
Hinimok ni Deputy Minority Leader France Castro ang pamahalaan na i-prioritize ang pag upgrade sa sweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ayon sa mambabatas, unang hakbang pa lamang ang Teaching Supplies Allowance dahil ang kasunod nito ay maitaas naman ang Take-home pay ng mga guro na matagal nang napag-iiwanan.
Hindi aniya katanggap-tanggap na nagtataasan na ang sweldo ng ilang top government officials tulad ng sa Bangko Sentral ng Pilipinas na lomobo sa “obscene level” habang ang sa mga guro na “backbone” ng educational system ay kakarampot pa rin.
Giit nito, dapat P50,000 ang entry-level pay ng guro sa private at public; P33,000 kung Salary Grade (SG) 1; SG 16 for Instructor 1 sa State Universities and Colleges; at P33,000 National Minimum Wage.