Asahan na ang dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo, sa susunod na linggo.
Ayon sa Dept. of Energy (DOE), tataas ng ₱0.45 hanggang ₱0.75 ang presyo sa kada litro ng gasolina; ₱0.30 hanggang ₱0.60 naman sa kada litro ng diesel.
Habang ₱0.15 hanggang ₱0.30 naman sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero, ipatutupad ang taas-singil sa mga produktong petrolyo sa February 18.
Paliwanag ni Romero, ang oil-price increase ay bunsod ng pinatinding sanction ng Estados Unidos sa Russia at Iran; kasabay nang nagpapatuloy na tensiyon sa middle east.